Accomplishment ng BOC, kinilala ni Maceda
MANILA, Philippines - Ikinataba ng puso ni Customs Commissioner Ruffy Biazon ang ginawang pagsuporta sa kanya ni dating Senador Ernesto Maceda dahil sa mga naging accomplishment sa pamumuno nito sa ahensiya.
Nabatid na pinuri ni Maceda si Biazon matapos nitong mahigitan ang itinakdang target revenue collection ng ahensiya at ang ipinatutupad nitong mahigpit na kampanya laban sa illegal smuggling.
Unang binatikos ni Maceda si Biazon, kung saan pinagbibitiw pa niya ito sa pwesto sa pag-aakalang hindi maa-achieve ni Biazon ang target revenue collection ng Boc.
Matatandaan nitong Enero ng taong kasalukuyan ay nalagpasan o nahigitan ng BOC ang kanilang target collection revenue kung saan pumalo ito sa pinakamataas.
Sa P24.5 billion na revenue collection nito, tumaas ito ng mahigit sa 11 porsiyento kumpara noong nakaraang taon.
- Latest

















