^

Bansa

PH Navy nagsasagawa ng maritime patrol sa boundary ng Malaysia

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy ang isinasagawang pagpapatrulya ng Phi­lippine Navy sa hangganan ng teritoryo ng Pilipinas at Malaysia upang mapigilan na magkaroon ng spillover at lumala pa ang tensyon na nilikha ng standoff sa isyu ng pagbawi sa Sabah ng grupo ni Sultan Jamalul Kiram.

Ito ang inihayag kahapon ni Department of National Defense Spokesman Dr. Reuben Peter Paul Galvez  sa kabila ng inianunsyo ng Malaysia na tapos na ang standoff .

Nitong Biyernes ay dumanak ng dugo matapos na lusubin na ng security forces ng Malaysia ang Lahad Datu sa Sabah na kinaroroonan ng grupo ni Datu Raj Muda Agbimuddin Kiram.

Nagkaroon ng bakbakan ang magkabilang panig kung saan 12 sa mga tauhan ni Kiram at isang sibilyan ang napaslang habang dalawa naman ang nasawi sa panig ng Malaysian security forces.

Ayon kay Galvez, kailangan ang paghihigpit ng pagpapatrulya sa hangganan ng Pilipinas at ng Sabah upang hindi na ito makadagdag pa sa tensyon gayundin upang pigilan ang mga sympathizers at pamilya nina Sultan Kiram na magtungo doon.

Anim na barko ang ginagamit ng Phil Navy sa pagmomonitor at pagpapatrulya sa lugar at isang Islander aircraft ng hukbong dagat.

Samantalang , naka-standby pa rin malapit sa Lahad Datu ang BRP Tagbanua upang magsakay ng mga Pinoy sa Malaysia na nais ng bumalik sa Pilipinas kabilang ang nasa 200 mga tauhan ni Sultan Kiram.

Nasa 800,000 manggagawang Pinoy naman sa Malaysia ang posibleng maapektuhan ng ginawang aksyon ng grupo ni Sultan Kiram na nais bawiin ang Sabah sa gobyerno ng Malaysia.

DATU RAJ MUDA AGBIMUDDIN KIRAM

DR. REUBEN PETER PAUL GALVEZ

LAHAD DATU

NITONG BIYERNES

PHIL NAVY

PILIPINAS

PINOY

SABAH

SULTAN JAMALUL KIRAM

SULTAN KIRAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with