88 katao tinamaan ng diarrhea
MANILA, Philippines - Umabot na sa 88 katao ang naratay matapos tamaan ng sakit na diarrhea ang 21 barangay sa bayan ng Carmen, Cebu.
Sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) Region 7 kahapon, kabilang sa mga dinapuan ng diarrhea ay edad 3 buwang-gulang na sanggol hanggang 64 anyos.
Ang Bry. Luyang naman ang nakapagtala ng pinakamalaking bilang ng mga apektado ng diarrhea na nasa 27 katao.
Ang 88 nagkasakit ng diarrhea ay naitala sa loob ng 11 araw simula pa noong nakalipas na linggo hanggang kamakalawa kung saan parami pa ng parami ang mga isinusugod sa pagamutan.
Pinaniniwalaang nagkasakit ng amoebiasis ang mga residente sanhi ng kontaminasyon o maruÂming supply ng tubig na iniinom.
Upang mapigilan ang paglaganap pa ng sakit ay nilagyan na ng mga lokal na opisyal ng chlorine ang supply ng tubig na iniinom ng mga residente at pinayuhan rin ang mga itong pakuluan muna ang kanilang mga inumin sa loob ng 30 minuto.
Inirekomenda rin ng mga health officials na isaÂgawa ang rehabilitasyon sa mga tubong daluyan ng tubig na pag-aari ng Uragay Water Works.
- Latest