^

Bansa

P10B ayuda sa magsasaka giit

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling kahapon ng rice industry stakeholders kay Pangulong Aquino na maglaan ng P10 bilyon na mula sa Conditional Cash Transfer ng DSWD upang tulungan ang mga apektadong magsasaka ng rice smuggling.

Nakasaad sa isang manifesto nang stake holders sa rice industry na dapat palawigin ang CCT program ng DSWD upang tulungan ang mga magsasaka na lubhang apektado ng malawak na rice smuggling at rice cartels sa bansa.

Winika naman ni Abono Partylist chairman Rosendo So na puwede namang bigyan ng ayuda ng gobyerno ang mga magsasaka mula sa CCT program kung saan ay maaaring bigyan ng mula P5,000 sa nagsasaka ng ½ ektarya at maximum na P20,000 naman sa nagsasaka ng 2 ektaryang lupain.

“Regardless of their land size, they will be only given subsidies for two hectares. Using part of the CCT for this purpose is a good idea as it would benefit small rice growers directly and immediately,” paliwanag pa ni So ng Abono Partylist.

Aniya, dahil sa patuloy na pagbaha ng smuggled rice sa bansa ay apektado na ang livelihood ng mil­yong Filipino na umaasa sa pagsasaka.

ABONO PARTYLIST

ANIYA

CONDITIONAL CASH TRANSFER

HINILING

NAKASAAD

PANGULONG AQUINO

RICE

ROSENDO SO

WINIKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with