1 patay, 2 sugatan kay Crising
MANILA, Philippines - Isa katao ang iniulat na nasawi habang dalawa ang nasugatan sanhi ng mga pag-ulan na dulot ng bagyong Crising.
Kinilala ang nasawing biktima na si Francisco Digaynon Jr. na nalunod habang tumatawid sa TaytaÂyan River sa Brgy. Andap, New Bataan, Compostela Valley. Ang bagyong CriÂsing ay tumama sa kalupaan ng Davao del Sur dakong ala-1 ng hapon nitong Martes.
Sa ulat naman ni NaÂtional Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Eduardo del Rosario, dalawa katao rin ang nasugatan sa landslide na tumabon sa isang tahanan sa Lanao del Sur na kinilalang sina Maria Nacua, 20 at Dodong Nacua, 8 anyos.
Nagkaroon din ng landÂslide sa Brgy. Malasalug, Sapad, Lanao del Norte na tumabon sa isang bahay sa lugar.
Samantala nasa ilaÂlim ng Signal No. 1 ang Davao del Norte, Davao del Sur, Samal Island, Davao OrienÂtal, Compostela Valley, southern part of Surigao del Sur, Agusan del Sur, Bukidnon, Lanao del Norte, Lanao del Sur, North Cotabato, Maguindanao, Sultan Kudarat, South Cotabato, Sarangani, Misamis Occidental, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur at Zamboanga Sibugay.
- Latest