^

Bansa

Tigil pasada, ikinakasa ng Piston

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ikinakasa ang isang malawakang tigil pasada ng  grupong Pinag-isang Samahan ng Tsuper at Ope­rator Nationwide (PISTON) sa susunod na buwan dahil sa patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo sa bansa.

Ayon kay George San Mateo, national president ng PISTON, ang nakatakdang transport strike ay bilang paghahanda sa isasagawang “Laban ng Bayan” para iparating ang kanilang pagtutol sa pamahalaan kaugnay ng patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo.

Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan ang PISTON sa iba pang transport sectors sa buong bansa, estudyante, kawani ng pamahalaan, guro, commuters at iba pang manggagawa para sa isasagawang trans­port strike.

Binigyang diin ni San Mateo na hindi titigil ang samahan sa mga pagkilos hanggat walang nagaganap na pagkilos ang pamahalaan upang tutulan ang  oil price hike.

 

AYON

BAYAN

BINIGYANG

GEORGE SAN MATEO

IKINAKASA

LABAN

PINAG

SAMAHAN

SAN MATEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with