^

Bansa

LPA, ganap nang bagyo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ganap nang bagyo ang isang low pressure area na namataan sa may silangan ng Mindanao.

Ganap na alas-5:00 ng hapon kahapon, namataan ng PAGASA ang  bagyo na pinangalanang Cri­sing sa may layong 750  kilometro timog silangan ng General Santos City taglay ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna.

Si Crising ay kumikilos sa kanluran hilagang kan­luran sa bilis na 19 na kilometro bawat oras.

Bunsod nito, nakataas ang babala ng bagyo bilang isa sa lalawigan ng Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Oriental at Compostela Valley.

Ngayong araw ng Martes, inaasahan ng PAGASA na si Crising ay nasa layong 350 kilometro silangan ng General Santos City at sa Miyerkules ng hapon sa layong 40 kilometro timog silangan ng Cotabato City at sa Huwebes ay nasa layong 220 kilometro ng timog silangan ng Zamboanga City.

Pinapayuhan ng PAGASA ang mga residenteng nakatira sa nabanggit na mga lugar na mag-ingat at lumikas sa matataas na lugar kung nakatira sa tabing ilog at dalisdis ng bundok.

vuukle comment

BUNSOD

COMPOSTELA VALLEY

COTABATO CITY

CRI

DAVAO

DAVAO ORIENTAL

GANAP

GENERAL SANTOS CITY

SI CRISING

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with