^

Bansa

Sabah bawiin na sa Malaysia!

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon ang Sultan ng Sulu na si Ismael Kiram II sa pamahalaang Aquino na gumawa na ng hakbang para tuluyan nang mabawi ng Pilipinas ang Sabah na dating sakop ng Pilipinas at saklaw ng lalawigan ng Sulu.

Ang Sabah ay nasakop ng Malaysia matapos itong rentahan ng Bri­tanya noong panahong sakop pa nito ang Malaysia. Mula noon ay hindi na nabawi ng Pilipinas ang naturang pulo bagamat nagkaroon ng mga pagsisikap na ito’y mabawi, bagay na nakaapekto sa relasyon ng dalawang bansa.

Ginawa ni Kiram II ang panawagan kasunod ng ulat na may 100 Pinoy na ilan ay armado ang pumasok sa isla. 

Nais daw ng may 100 Pinoy na magkaroon ng lupain sa dakong hilaga ng Borneo sa paniwalang bahagi ang lugar na ito ng Sulu noon pang unang panahon.

Bunsod ng pagtungo ng mga Pinoy sa lugar, hinihinala ng Malaysia na ito’y mga rebeldeng Muslim mula sa rebel break-away group na nadismaya sa ‘peace deal’ sa pagitan ng Phl government at Muslim rebels sa Mindanao.

Base pa sa report, nagtungo umano ang mga Pinoy sa Sabah matapos na pangakuan ng lupa at doon manira­han.

Nakikipagnegosas­yon na ang DFA at Malaysian authorities para himukin ang mga Pinoy na umuwi na sa Pilipinas at magsibalikan na sa Mindanao.

Ayaw namang magkomento ng Palasyo sa panawagang muling buhayin ang pag-angkin ng gobyerno sa Sabah at ipauubaya na lamang ito sa DFA.

“At this point, hindi na muna tayo magko-komento. We’d like to defer comment on that, and the DFA will be the one who will give us updates on the situation in Sabah if and when they deem it to be necessary,” paliwanag ni Presidential Usec. Abigail Valte.

 

ABIGAIL VALTE

ANG SABAH

AQUINO

ISMAEL KIRAM

MINDANAO

PILIPINAS

PINOY

PRESIDENTIAL USEC

SABAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with