^

Bansa

Kapag UNA bets nanalo... Peace talk sa MILF mababasura

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Sen. Franklin Drilon na posibleng mabalewala ang isinusulong na peace ag­reement ng gobyernong Aquino sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) kapag karamihan nang mananalo sa darating na May 2013 elections ay mula sa United Na­tionalist Alliance (UNA).

Sinabi ni Sen. Drilon, campaign manager ng Team PNoy, mahalaga kay Pangulong Aquino na manalo ang kanyang mga manok sa pagiging senador at kongresista upang mabilis na mapagtibay ang basic law para sa Bangsamoro entity ka­palit ng Autonomous Region for Muslim Min­danao (ARMM).

Wika ni Drilon, magsisilbing referendum na rin ang darating na May 2013 elections upang malaman kung nais ba ng botante na manatili ang ARMM o palitan na ito ng Bangsamoro entity.

Nagbanta pa si Drilon na posibleng hindi suportahan ng mga kandidato ng UNA ang isinusulong na ito ng gobyerno kapag sila ang nangibabaw sa senatorial at congressional race at magkaroon ng UNA-dominated opposition sa 16th Congress.

“Kaya importante para kay Pangulong Noy­noy na ang kanyang mga ka­alyado, ang kanyang mga handpicked na kandidato sa Team PNoy ay mailuklok sa Senado dahil ito po ang magtutulak sa polisiya ng administrasyon tungkol sa kapayapaan sa autonomous region of muslim Mindanao,” banta pa ni Drilon.

AQUINO

AUTONOMOUS REGION

BANGSAMORO

DRILON

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MUSLIM MIN

PANGULONG AQUINO

PANGULONG NOY

UNITED NA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with