May-ari ng PUVs na may political ads ikakalaboso
MANILA, Philippines - Hindi rin palalagpasin ng Commission on Elections (Comelec) ang mga advertisement ng mga kandidato sa mga pampublikong sasakyan sa sandaling magsimula ang kampanya.
Ayon kay Comelec spokesman James JimeÂnez, kukumpiskahin ang mga public utility vehicle (PUV) at ikukulong ang mga may-ari nito kung paÂtuloy na nakalagay sa mga pampublikong saÂsakyan ang mga adverstisement o pangaÂngampanya ng mga kandidato.
Aniya dapat na isipin ng mga may-ari ng mga pampublikong sasakyan ang kanilang responsiÂbiÂlidad at hindi ang kaÂnilang kikitain sa advertisement.
Sinabi ni Jimenez na batay sa campaign rules ipinagbabawal ang political advertising sa anumang mga PUVs.
Sakaling may tututol, maaari naman iakyat ang kanilang reklamo sa Korte Suprema.
Dahil dito, nanawagan din si Jimenez sa publiko na agad na ireklamo o itaÂwag sa kanila kung may mga bus o jeep na may political ads ng mga kandidato.
- Latest