MERALCO bill bababa ng 58 sentimo ngayong Pebrero
MANILA, Philippines - Inianunsiyo kahapon ng pamunuan ng Manila Electric Company (MERALCO) na bababa ang singil sa kuryente ngayong Pebrero.
Ayon sa MERALCO, bababa ng 58 sentimo kada kilowatt-hour (KwH) ang generation charge, na siyang pinakamababang naitala nila simula noong Setyembre 2011.
Nabatid na ang pagbaba ng singil ay resulta ng mababang rate mula sa Power Supply Agreements (PSAs) na nilagdaan ng MERALCO sa kanilang mga supplier na kinabibilangan ng Calaca Power Corporation (SCPC); South Premiere Power Corp. (SPPC); San Miguel Energy Corporation (SMEC); Masinloc Power Partners Co., Ltd. (MPPCL); at Therma Luzon, Inc. (TLI).
Ang PSAs, na siyang pumalit sa National Power Corporation-Transition Supply Contract (NPC-TSC), ay nakapagtala ng substantial reduction na P1.10 per kWh na hamak umanong mas mababa kumpara sa presyo ng TSC.
- Latest