^

Bansa

Pagbasura sa kaso vs GMA pinaboran ng SC

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagtibay kahapon ng Korte Suprema ang pagkabasura sa kasong pagwaldas sa pondo ng Overseas Workers Welfrae Administration (OWWA) laban kay da­ting pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at iba pang repondents sa kaso.

Sa resolution ng Supreme Court Third Division, kinatigan nito ang naging desisyon ng Office of the Ombudsman na nagbabasura sa reklamo ni dating Solicitor General Francisco Chavez laban sa kampo ng dating punong ehekutibo kaugnay sa maling paggamit sa pondo ng OWWA noong 2004.

Ayon sa SC, nabigo ang petitioner na patuna­yang nagkaroon ng pagkakamali o reversible error sa panig ng Ombudsman.

Pinaburan pa ng SC ang naging findings ng anti-graft body na valid ang paglilipat ng pondo ng OWWA patungo sa PhilHealth, at ligal na nagamit ang pondo ng OWWA.

Partikular na kinu­kwestiyon ni Chavez sa kanyang petisyon ang umano’y iligal na paglilipat ng mahigit 530 milyong piso na halaga ng OWWA Medicare Fund patungo ng PhilHealth, at ang 350 libong dolyar na halaga ng OWWA Capital Fund patungo naman sa pondo ng mga labor attaché sa Middle East noong panahon ng US-Iraq crisis ng taong 2004.

CAPITAL FUND

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

KORTE SUPREMA

MEDICARE FUND

MIDDLE EAST

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

OVERSEAS WORKERS WELFRAE ADMINISTRATION

PAMPANGA REP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with