Balwarte ng MILF papasukin ni PNoy
MANILA, Philippines - Sa kauna-unahang pagkakataon ay tutuntong si Pangulong Aquino sa balwarte ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Bangsamoro Leadership and Management Institute (BLMI) para sa Sajahatra Bangsamoro program sa Lunes.
Ayon kay Secretary to the Cabinet Rene Almendras sa media briefing, walang kandidato ng administrasyon ang makakasama sa nasabing event ni Pangulong Aquino sa BLMI sa Sultan Kudarat dahil ito ay isang event para sa kapayapaan at kaunlaran ng BangsaÂmoro gaya ng nakasaad sa Framework Agreement na nilagdaan ng gobyerno at MILF.
Sinabi pa ni Almendras, maghahatid ng tulong ang gobyernong Aquino sa mga dating rebeldeng MILF na nagbalik-loob sa pamahalaan at niyakap ang kapayapaan.
Kabilang sa ipapamahagi ng gobyerno ay mga college scholarships ng Commission on Higher Education at DepEd, health and medical services ng Department of Health at PhilHealth, agricultural at livelihood programs ng Department of Agriculture, mga trainings na hatid ng Tesda at cash for work program ng DSWD.
Dagdag pa ni Almendras, hindi na hihintayin ng gobyerno ang 2016 gaya ng nakasaad sa Framework Agreement with Bangsamoro (FAB) upang madama ng mga MILF at kanilang pamilÂya ang sinseridad ng gobyernong Aquino sa pagsusulong ng kapaÂyapaan at kaunlaran para sa Bangsamoro.
Aniya, nailatag na rin ang security arrangement sa MILF sa pagpunta ni Pangulong Aquino sa BLMI upang maghatid ng serbisyo sa Bangsamoro.
- Latest