^

Bansa

Anomalya sa BOC ibinisto

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May nagaganap uma­nong iregularidad  sa ilang departamento ng Bureau of Customs (BOC).

Ayon sa isang mapagkakatiwalaang impormante sa loob ng BOC na tumangging magpabanggit ng pangalan, may kuwestiyonable umanong kontrata sa ilang proyekto ang hindi dumaan sa tamang pro­seso at talamak umano ang “lagayan” sa tanggapan ng Interim Customs Accreditation and Registration (ICARE) ng BOC.

Sinasabing sangkot umano ang ilang opisyal at personnel ng BOC sa naturang anomalya at malayang namamayagpag ang mga ito sa loob at labas ng naturang ahensiya.

Sangkot din umano ang mga ito sa mga “pa­ngo­ngotong” at binibiktima ang ilang individual na nagpa-follow-up ng transaksiyon.

Ibinunyag pa ng source, na ilang inspector ng ICARE ang nanghihingi ng malaking “lagay” sa ilang importers para mapabilis ang pagproseso ng kanilang mga papeles.

Ang “bulok” umanong sistema o katiwalian ay may basbas daw ng ilang opisyal ng BOC na siyang nagbibigay ng dungis sa imahe ng ahensiya.

AYON

BOC

BUREAU OF CUSTOMS

IBINUNYAG

ILANG

INTERIM CUSTOMS ACCREDITATION AND REGISTRATION

SANGKOT

SINASABING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with