Amalilio pamangkin ng top Malaysian official
MANILA, Philippines - Pamangkin ng chief minister ng Sabah si Manuel Amalilio, ang may-ari ng Aman Futures at wanted sa P12 bilyong pyramiding scam, kaya’t naudlot ang pagpapabalik nito dito sa Pilipinas.
Ito ang nabatid mula kay Malaysian opposition leader Anwar Ibrahim, kung saan inutos nito na sundin ang batas at hindi batas ng kung sinong pulitiko.
“Yes, his mother is Musa’s first cousin,†ayon kay Anwar nang tanungin tungkol sa koneksiyon ni Amalilio kay Sabah Chief Minister Musa Aman.
Si Amalilio na Kamal bin Said, ay isinilang sa Beaufort, Sabah. Ang ina nito ay si Zubaidah Omar, pinsan ni Chief Minister Musa Aman. Si Haji Aman (ama ni Musa) at Haji Omar (ama ni Zubaidah) ay magkapatid.
Matatandaang lumitaw ang isyu na protektado ng Malaysian national si Amalilio kaya’t hindi ito naibalik sa bansa.
Pinay ang asawa ni Amalilio at mayroon itong Philippine passport.
Si Amalilio ay nahaharap sa patung-patong na kaso matapos makapanloko ng mahigit sa 15,000 Visayans at Mindanaoans.
Mabilis na tumakas palabas ng bansa si Amalilio nang iutos ni PaÂngulong Noynoy Aquino ang pagdakip dito noong Nobyembre.
Sa isinagawa namang press conference sa Kuala Lumpur kahapon, lumilitaw din na ang Malaysian Foreign Minister Anifah Aman ay nakababatang kapatid ni Chief Minister Musa Aman. Si Anifah ay tiyuhin ni Amalilio.
Sina Anifah at Musa ay kamag-anak din ni Malaysian Attorney GeÂneral Abdul Gani Patail, ang tatlo ay close associates ni Prime Minister Najib Razak ng ruling UMNO party.
Kaugnay sa repatriation ni Amalilio, kailaÂngang makipag-ugnayan nina Pangulong Aquino, DILG Secretary Mar Roxas, Justice Secretary Leila de Lima, at Foreign Secretary Albert del Rosario kina Musa, Anifah, Patail, at Razak. Walang extradition treaty ang Pilipinas sa Kuala Lumpur.
- Latest


















