Team PNoy pipigilan ang UNA
MANILA, Philippines - Pipilitin ng mga kandidato ng administrasyon sa May 2013 elections na pigilan ang plano ng United Nationalist Alliance (UNA) na gawing lame duck president si Pangulong Aquino kung matatalo ang mga kanÂdiÂdatong senador ng administrasyon ng mga kandidato ng UNA.
Sinabi ni Senator Franklin Drilon, campaign manager ng Team PNoy, na importante ang magiÂging papel ng mga kandidato ng administrasyon sa susunod na eleksyon para matuloy ang plano ng Pangulo sa natitirang tatlong taon nito sa puwesto.
Inihayag din ni Drilon na nakahanda ang Pangulo na ikampanya ang kanyang team para sa 2013 national election upang matiyak na mananalo ang mga ito.
Hindi umano natatakot ang Pangulo na gamitin ang kanyang “political capital†dahil sa panalo ng kanyang mga kandidato nakasalalay ang mga repormang nais pa nitong ipatupad sa gobyerno.
Hinamon din ni Drilon ang kalabang partido na UNA na manindigan sa kanilang pagiging oposisyon.
- Latest