^

Bansa

Mga sekyu sa mall aarmasan!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pag-aarmasin na ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng mga guwardiya na nanga­ngalaga sa seguridad sa mga mall at iba pang esta­blisimyento partikular sa Metro Manila.

Ang hakbang ay upang hindi na maulit pa ang serye ng robbery/holdup sa Kamaynilaan kabilang ang pag-atake ng hinihinalang ‘Ben Pan­day’ gang sa jewelry store sa SM Megamall sa Mandaluyong City noong Sabado ng gabi, Western­ Union sa Parañaque City kamakalawa at ang pag-atake kahapon ng “Donut gang” na nakipagbarilan sa mga sekyu sa parking area ng Robinsons Magnolia branch sa Quezon City.

Ayon kay PNP-Supervisory Office for Security and Investigation Agency (SOSIA)  Director P/Chief Supt. Thomas Rentoy, oobligahin na ng kaniyang tanggapan bilang ‘uniform requirement’ sa pag-iisyu ng permit na pagbitbitin ng mga armas ang lahat ng security guards sa mga mall at iba pang establisimyento.

Ayon kay Supt. Ren­toy, nagawang malusutan ng mga papatakas na ka­­watan na nanloob sa je­welry shop sa ground floor ng SM Megamall ang mga guwardiya ng Lambdan Security Agency­ dahil walang armas ang mga ito.

Ang Lambdan Secu­rity Agency ay kabilang sa apat na security agency na nangangasiwa sa seguridad ng SM Megamall.

Nabatid sa opisyal na hindi lahat ng security agency ay pinag-aarmas ang kanilang mga guwardiya sa kahilingan na rin ng mga mall owner.

Pinag-aaralan na rin ng DILG at PNP na irekomenda sa mga lokal na pamahalaan na gami­ting rekisitos sa pag-iisyu ng business permit ang paglalagay ng CCTV sa loob at labas ng kanilang establisimyento.

Kabilang dito ang mga bangko, pawnshop, jewelry shops, money changers, remittance stores at iba pa na kadalasan ay puntirya ng masasamang loob. 

Sa kasalukuyan ay boluntaryo ang pagla­lagay ng mga CCTV.

ANG LAMBDAN SECU

AYON

BEN PAN

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

LAMBDAN SECURITY AGENCY

MEGAMALL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with