MANILA, Philippines - Binalaan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na pagmumultahin o pagbabayarin ang lahat ng Philippine commercial carriers na hindi gagamit ng ‘aerobridge’ sa kanilang mga pasahero na umaalis o dumarating sa mga paliparan na may mga ganitong uri ng daanan.
Ito ang isinasaad sa memorandum order na ipinalabas ng pamunuan ng CAAP.
Ayon sa CAAP, dagsa ang reklamo galing sa mga pasahero na hindi sila idinadaan sa aerobridge kaya naman nangangamba sila sa kanilang kaligtasan at kalusugan lalo na kapag umuulan,
“The memorandum order directs airlines to “cease and desist†from implementing any and all corporate policy geared towards evading or avoiding the use of such aerodrome facilities,†sabi ng CAAP.
Ang hindi sumunod ay may kaparusahan o magbabayad ang airlines ng P50,000.