Bus, jeep atbp. bawal lagyan ng pangalan, logo ng kandidato
MANILA, Philippines - Nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato para sa 2013 na bawal ang paglalagay ng kanilang mga pangalan, logo o kahit initials sa mga pampublikong sasakyan lalo na ang mga government vehicle at maging sa mga poste ng kuryente, sa pagsisimula ng campaign period.
Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. na ang mga nabanggit ay bahagi ng “prohibited propaganda.â€
Sinabi ni Brillantes na bawal ang paglalagay ng mga campaign ads at materials sa mga public utility vehicles, katulad ng mga bus, jeepney, taxis, pedicabs at tricycles.
Pero sa ngayon, aminado ang opisyal na wala pang magagawa ang kaniyang tanggapan sa kasalukuyang kumakalat na mga election posters dahil hindi pa opisyal na nagsisimula ang campaign period.
Sa Pebrero 12 pa ang opisyal na petsa ng paÂngangampanya para sa mga tumatakbo sa national positions habang sa Marso 30 ang para sa mga naghahangad ng lokal na posisyon.
Una na ring inihayag ni Brillantes na batay sa bagong resolusyon ng Comelec, naghigpit sila sa limitasyon sa poll ads kung saan pagbabasehan ang 120 minutes sa telebisyon at 150 minutes sa radyo sa pagbilang ng kabuuang airtime ng mga politiko.
Hindi tulad noong 2010 elections na 180 minutes political advertisement sa bawat istasyon ng radyo.
- Latest