^

Bansa

Hog, poultry industry namemeligro

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang kongresista ang nag-aalala na baka bumagsak ang hog and poultry industry sa bansa dahil sa pagpasok ng dayuhang kompanya na binibigyan ng maraming insentibo ng gobyerno.

Ayon kay Ating Koop Rep. Isidro Lico, nagbigay ang Department of Trade and Industry at Board of Investment ng pitong taong tax holiday, insentibo sa importasyon at iba pa sa Charoen Pokphand, isang Thai livestock company.

“The entry of this foreign company will definitely kill the local hog and poultry industries and will affect the employment of thousands of people,” ayon kay  Lico.

Dahil sa mga insentibong ito, maaaring ibenta ng naturang kompanya ng libre ang kanilang mga produkto na magi­ging sakit ng ulo naman ng mga lokal na hog at poultry industry at malamang din na ito na ang senyales ng pagkawala o pagkalugi ng kanilang mga negosyo.

“The decision of the BOI is grievously unfair to the local hog and poultry industry players who have never received incentives or subsidy from the government,” giit ng solon.

Ang Thai company ay gagastos ng P2.32 bilyong hog production sa Tarlac at Pangasinan, at poultry or broiler production sa Bulacan at Nueva Ecija.

“The Thai company will flood the local market with its huge production of hog and poultry that could annihilate the small and medium backyard growers in the country.”

Sinabi naman ni Butil Rep. Agapito Guanlao na binigyan ng BOI ng 30 porsyentong tax incentives ang kompanya sa pag-angkat ng mga mais at feed materials.

AGAPITO GUANLAO

ANG THAI

ATING KOOP REP

BOARD OF INVESTMENT

BUTIL REP

CHAROEN POKPHAND

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

ISIDRO LICO

NUEVA ECIJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with