Belmonte caretaker ng Bohol
MANILA, Philippines - Pansamantala munang tatayo bilang caretaker ng ikalawang distrito ng Bohol si House Speaker Feliciano Belmonte Jr.
Ito ay matapos na sumakabilang buhay noong Disyembre 25, 2012 si 2nd district Rep. Erico Aumentado dahil sa sakit na pneumonia.
Nangangahulugan umaÂno ito na direktang si Belmonte ang makikipag-ugnayan sa mga staff ng yumaong kongresista tungkol sa mga operasyon nito at kaugnay na rin sa pangangailangan ng mga constituent nito.
Paliwanag pa ng lider ng Kamara, hindi na nagkaroon pa ng special elections sa naturang distrito dahil nalalapit na naman ang election sa Mayo.
Sa ilalim umano ng Republic Act 7166 o ang Synchronized National and Local Elections, sa sandaling magkaroon ng permanenteng bakante sa Senado o Kamara isang taon bago matapos ang termino nito ay maaaÂring magpatawag o magsagawa ng special election para sa nabakanteng pwesto.
Pinapurihan naman ni Belmonte si Aumentado dahil sa hindi nito matatawarang pagseserbisÂyo sa publiko.
- Latest