^

Bansa

Gun ban larga na!

Doris Borja, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Asahan na ang mara­ming checkpoints na ilalatag sa buong bansa kasabay ng pagsisimula ngayong araw ng gun ban kaugnay ng gagana­ping midterm elections sa Mayo 13, ng taong ito.

Ayon kay PNP Chief Director Alan Purisima, ang pagpapakalat ng ma­raming checkpoints sa mga pangunahing lansa­ngan partikular na sa mga lalawigan na idineklarang ‘high risk areas’ o magulong lugar ay bahagi ng pagpapairal ng gun ban upang matiyak ang SAFE 2013 (Secured and Fair Elections).

Target sa checkpoint operations ang mga loose firearms at paglalansag ng mga Private Armed Groups (PAGs) ng mga pulitiko.

Sinabi ni Purisima na may sapat na direktiba at panuntuan ang mga pulis na magbabantay sa checkpoints na makakatuwang ng mga sundalo.

Ang mga pulis at sun­dalong magmamando sa checkpoint ay dapat nakakumpletong uniporme, may signage, may PNP mobile patrol car na tinagubilinan ring maging magalang sa mga sinisitang lulan ng mga behikulo na daraan sa kanilang hurisdiksyon.

Pinawi naman ni Co­melec spokesman Director James Jimenez ang pangamba ng publiko sa election gun ban na ang layon lamang aniya ay mabawasan ang laganap na karahasan tuwing sasapit ang eleksiyon.

Ayon kay Jimenez, paiigtingin ang seguridad sa panahon ng halalan hanggang sa magtapos sa Hunyo12, 2013.

Kaugnay naman nito, ngayong araw ay magsasagawa ng unity walk ang Comelec, Department of Education (DepEd), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) bilang hudyat na nagsimula na ang election period.

Layon aniya nito na ipakita sa publiko na nagkakaisa ang mga ahensiya ng gobyerno para sa mapayapa at maayos na halalan.

Alas-5:00 ng umaga isasagawa ang unity walk sa Quezon Memorial Circle.

 

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

CHIEF DIRECTOR ALAN PURISIMA

DEPARTMENT OF EDUCATION

DIRECTOR JAMES JIMENEZ

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PRIVATE ARMED GROUPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with