‘Pantawid’ palalawakin sa buong Cavite - Rep. Ayong
MANILA, Philippines - Marami pang maralitang mamamayan sa lalawigan ng Cavite ang nakatakdang mapabilang sa 4Ps (Pantawid PamilÂyang Pilipino Program) ng gobyerno.
Mula sa kasalukuyang 8,038 beneficiaries ng 4Ps sa buong 17 munisipyo at 6 na lungsod ng Cavite, sinabi ni Cavite Provincial Social Welfare and Development Officer Felipa Servanez na anomang araw ay nakatakda nilang simulan ang evaluation para sa magiging mga bagong 4Ps beneficiary, sang-ayon sa expansion program ng DSWD.
Nabatid sa ilang source mula sa tanggapan ni DSWD Sec. Dinky Soliman na ang orihinal na plano para sa 4Ps expansion program ay priority ang mga “urban poor†kung saan ang mabibiyayaan lamang sana sa Cavite ay ang mga taga Trece Martires City, Cavite City, Dasmariñas City, Bacoor City, Imus City at Tagaytay City.
Subalit dahil umano sa mariing pakikipag-usap ni Imus Rep. Ayong Maliksi sa pamunuan ng LP ay nagawan nito ng paraan para maisama ang mga maralita sa 17 pang munisipyo ng Cavite.
Ang 4Ps o kilala sa tawag na Conditional Cash Transfer (CCT) ay isang programa ng pamahalaang nasyunal kung saan ang mahihirap na mamamayan ay pinagkakalooban ng buwanang pinansiyal na tulong na hindi bababa sa P1,500 bawat pamilya kada buwan.
Ikinatwiran umano ni Rep. Maliksi na bukod sa anim na siyudad ng Cavite na kwalipikado sa tinatawag na “urban poor,†nararapat din na mabiyayaan ang mga maralita sa lahat ng munisipyo ng lalawigan ng Cavite dahil halos dikit ang mga ito sa nabanggit na mga lungsod kaya naman apektado rin sila sa mataas na antas ng pamumuhay sa urban areas.
Sa nasabing panayam, inamin din ni PSWDO Servanez na sa kabuuan ng Cavite recipients ay nakapagbigay na sila ng nasa P63,230,900.00, kung saan sa nasabing expansion program ng 4Ps ay tinatayang lalaki nang husto ang halaÂgang maipagkakaloob ng pamahalaang nasyonal sa mahihirap na taga-Cavite para sa taong 2013.
- Latest