Enrile kakasuhan sa ‘cash gifts’
MANILA, Philippines - Sasampahan ng kaso ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) si Senate President Juan Ponce Enrile dahil sa ginawang pamimigay ng cash gifts sa kapwa nito senador noong nagdaang Kapaskuhan.
Ayon kay VACC Chairman Dante Jimenez, inihahanda na nila ang pagsasampa ng kasong unethical practice laban kay Enrile sa Senate Ethics Committee at iba pang ahensyang humahawak ng ganitong katulad na kaso.
Binigyang diin ni Jimenez na imoral ang naÂging hakbang na ito ng Senate president dahil sa halip na ilagay na lamang ni Enrile ang saÂvings ng kanyang opisina sa national treasury para sa mahihirap na mamamayan ay ipinamudmod pa ito sa mga kasamahan niyang senador.
Una nang lumikha ng pagtaas ng kilay ng marami ang ginawang pamimigay ni Enrile ng mahigit P1 milÂyon sa mga kaibigan niyang senador bilang dagdag sa kanilang mga maintenance at iba pang operating expenses at umaabot naman sa P250,000 ang naibigay sa mga senador na ayaw niya tulad ni Sen. Miriam Santiago.
Sinasabing ang hakbang ni Enrile ay ginawa upang hindi maibagsak ang kanyang liderato sa Senado na matagal nang sinasabing tatanggalin sa kanya ang pagiging SeÂnate president.
- Latest