^

Bansa

10 opisyal ng Aman kinasuhan ng DOJ

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Kinasuhan na ng Department of Justice (DOJ) ng two counts ng  syndicated estafa sa Pagadian City Regional Trial Court (RTC) ang 10 opisyal ng Aman Futures Group Phi­lippines Inc. na isinasangkot sa P12 bilyong pyramiding scam.

Kabilang sa mga ki­na­­suhan kaugnay ng rek­lamo ng limang naloko umano ng mahigit P46 milyon noong isang taon sina Manuel Amalilio, Fernando Luna, Lelian Lim Gan, Eduard Lim, Wilanie Fuentes, Naezelle Rod­riguez at Lurix Lopez.

Inabswelto naman ng DOJ si Isagani Laluna dahil sa kawalan ng ebi­densya na ito’y may direktang partisipasyon sa operasyon ng Aman bilang counsel at corporate secretary.

Bukod sa pito, kabilang din sa mga kinasuhan ng ikalawang kaso ng syndicated estafa alinsunod naman sa reklamo ng siyam na investor na naloko umano ng P24 milyon sina Nimfa Luna, Darwin Wenceslao at Dona Coyme.

Sa isang press conference, sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na naihain na ng mga prosecutor ang kaso sa Pagadian RTC at inaasahang mairaffle ito upang agad na makapaglabas ng warrant of arrest sa lalong madaling panahon.

Sinabi pa ni de Lima, pinag-aaralan pa rin ng special panel ang kaso ni Pagadian City Mayor Samuel Co na isinasangkot din sa pyramiding scam.

 

AMAN FUTURES GROUP PHI

DARWIN WENCESLAO

DEPARTMENT OF JUSTICE

DONA COYME

EDUARD LIM

FERNANDO LUNA

ISAGANI LALUNA

JUSTICE SECRETARY LEILA

LELIAN LIM GAN

LURIX LOPEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with