23 pulis sinibak!
MANILA, Philippines - Sinibak ni DILG Sec. Mar Roxas ang Quezon provincial director na si Val de Leon at ang lahat ng opisyal na sangkot sa insidente.
Sa press briefing sa Camp Crame, inanunsyo nina Roxas at PNP Chief Director General Alan Purisima na lahat ng opisyal na sangkot sa operasyon sa kinukuwestiyong overkill na shootout ay ipinag-utos na ‘restricted to custody’ sa Camp Crame.
Ang mga personnel o tauhan ng mga ito na kabilang sa nagsagawa ng checkpoint ay bantay sarado naman sa himpilan ng Police Regional Office (PRO) IV A sa Camp Vicente Lim, Laguna habang isinasalang sa imbestigasyon.
Bukod kay de Leon, sinibak din sina Supt. Ramon Balauag, Chief ng Intelligence ng Quezon Police; Chief Insp. Grant Gollod, hepe ng Atimonan Police; Inspectors Ferdinand Aguilar, Evaristo San Juan na pawang ng Atimonan Police, ang sugatang si Supt. Hansel Marantan, Deputy Chief ng Regional Intelligence Division (RID) ng PRO IV A na namuno sa checkpoint operation at subordinate nitong si Sr. Insp. Timoteo Orig.
Ang mga nasibak na PNP personnel ay nakilala namang sina PO3 Benedict Dimayuga, PO2 Ronnie Serdeña, PO1 Esperidion Corpuz Jr, PO1 Bernie de Leon at PO1 Allen Ayubo; mga miyembro ng Atimonan Police habang mula sa Regional Intelligence Division sa PRO IV A ay sina SPO3 Joselito de Guzman, SPo1 Claro Cataquiz Jr., PO3 Eduardo Oronan, PO2 Nelson Indal, PO2 Al Bhazar Jailani, PO1 Wryan Sardea at PO1 Rodel Talento.
Inihayag ni Roxas na walo rin sa 13 napatay na suspek ay lumitaw na positibo sa paraffin test na patunay lamang na nagpaputok ang mga ito ng baril.
Ang mga suspek na lulan ng dalawang SUV vehicle ay naharang ng grupo ni Marantan sa checkpoint dakong alas-3:20 ng hapon noong EneÂro 6 sa Brgy. Lumutan.
Napag-alaman pa na 186 ang tama ng bala na tinamo ng unang SUV na sinasakyan ni Consemino habang 50 naman ang sa ikalawang SUV na ka-convoy nito.
Sa kabuuang 14 baril na narekober sa behikulo ng mga suspek ay 13 lamang ang lisensyado at nakuha rin ang P 265,000 cash mula sa bangkay ng mga suspek.
- Latest