Nakayapak na deboto, isasakay sa LRT
MANILA, Philippines - Papayagang sumakay sa LRT Line 1 ang mga nakayapak na deboto ng Itim na Nazareno, ngunit pinaalalahanan ang mga ito na wala silang libreng sakay ngayong araw kahit pa pista ng Nazareno.
Ito ang inihayag kahapon ni LRTA spokesman Hernando Cabrera, kasunod nang inaasahang pagdagsa ng milyun-milyong deboto ng Nazareno sa Quiapo na lalahok sa taunang prusisyon.
Tiniyak ni Cabrera na handa na ang mga LRT coaches para i-accommodate ang mga deboto.
Inaasahan nila ang maraming debotong sasakay sa LRT sa Central, Carriedo at Doroteo Jose stations.
Noong nakaraang pista ng Nazareno ay nakapagtala ang LRTA ng 620,987passengers sa LRT Line 1.
Ani Benitez, maglalagay rin sila ng mga help desks, medical personnel at Red Cross volunteers sa mga istasÂyon ng UN Avenue, Central Carriedo, D. Jose at Recto.
Naka-standby na rin ang medical team ng DOH sa Quirino Grandstand, habang back-up ambulance teams naman mula sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC), San Lazaro Hospital, Dr. Jose Fabella Memorial Hospital, Tondo Medical Center at Philippine Orthopedic Center.
Nakataas naman sa Code White Alert ang lahat ng pagamutan sa Metro Manila hanggang bukas.
- Latest