^

Bansa

Smartmatic wagi sa bidding para sa 2013 midterm elections

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakuha ng Smartma­tic-Total Information Management Corporation ang tatlong proyekto na may kinalaman sa 2013 elections sa isinagawang bidding ng Commission on Elections (Comelec).

Ang mga nasabing pro­yekto ay nagkakahalaga ng halos 700 milyong piso o kabuuang P686.28 milyon.

Batay sa tatlong Notices of Awards na inisyu ng Co­melec, ang Smartmatic-TIM ang magsisilbing provider ng compact flash cards at transmission modems na gagamitin sa Eleksyon 2013.

Naipanalo rin ng Smartmatic-TIM ang bidding para sa electronic transmission ng resulta ng eleksyon na nagkakahalaga naman ng mahigit 485.5-M.

Kaugnay nito, inata­san na ng Comelec ang nasabing kumpanya na maglagak ng kanilang performance security, gayundin ng cash bond, letter of credit, at surety bond.

 

BATAY

COMELEC

ELEKSYON

KAUGNAY

NAIPANALO

NAKUHA

NOTICES OF AWARDS

SMARTMATIC

TOTAL INFORMATION MANAGEMENT CORPORATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with