Kahit may travel advisory Turista pinahaba ang bakasyon sa Pinas
MANILA, Philippines - Sa kabila ng mga neÂgatibong travel advisories laban sa Pilipinas, mas ninais pa ng milyun-milÂyong turista na manatili at magbakasyon sa bansa.
Ito ang ipinagmalaki ni Immigration Commissioner Ricardo David, Jr. kung saan sinabi nito na karamihan sa mga turistang namasyal sa Pilipinas noong 2012 ay ninais pang palawigin ang kanilang pananatili o lampas pa sa panahong itinakda sa kanilang mga visa.
Aniya, mula EneÂro hanggang Disyembre 2012, umaabot sa 172,055 ang prinosesong applications for visa extension ng BI, mas mataas ng 13 porsiyento noong 2011 na 151,913.
Sa record ng BI, karamiÂhan sa mga dayuhang tuÂrista ay South Koreans, Americans, Chinese (mula sa China at Taiwan).
- Latest