P10.5 M gagamitin ng DSWD sa ‘anti-epal’
MANILA, Philippines - Kinuwestiyon ng isang mambabatas ang plano ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na gamitin ang P10.5 milyong pondo para sa ‘anti-epal’ campaign.
Ayon kay Bayan Muna Partylist Rep. Teddy Casiño, hindi dapat gamitin ng DSWD ang pondo nito sa anti-epal campaign dahil ang pangunahing misyon ng ahensiya ay para sa mahihirap at disadvantage na mamamayan.
Nabatid na noong DisÂyembre 31, 2012, tumanggi ang DSWD na sumali sa bidding para sa “Hiring of Service provider for the Newspaper Publications, and the Production and Airing of TV and radio Commercials for the ‘BaÂwal ang EPAL campaign’ ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps).â€
Sinabi ng mambabatas na wala sa tungkulin o trabaho ng DSWD ang pangunahan ang isang ‘Anti-Epal Campaign’ na trabaho ng Commission on Elections, Namfrel at PPCRV.
Giit ni Casiño, nais gaÂmitin ng DSWD ang pondo ng bayan sa proyektong hindi naman kasama sa mandato o tungkulin nito.
Bukod dito nangaÂngamba rin ang kongresista na nagsasayang lamang ng pera ang ahensiya dahil mas magandang gamitin ang pondo sa mga biktima ng bagyong Pablo at Quinta sa halip na sa anti-epal campaign.
- Latest
- Trending