^

Bansa

Presyo ng LPG nag-rollback

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sasalubungin ngayon ng rollback sa Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang Bagong Taon.

Sa anunsyo ng LPG Marketer’s Association, eksakto alas-12:01 ng hatinggabi kanilang ipatutupad ang bawas presyo sa kanilang mga produkto upang maging buwenamanong pampabuwenas lalo na sa mga ina ng tahanan.

Sinabi ni LPGMA partylist Rep. Arnel Ty, nasa P2 kada kilo o P22 kada 11-kilong tangke ang kanilang ibababa na inaasahang positibong tatanggapin ng bawat tahanan.  Ito ay taliwas na ipinatupad kamakailan ng mga kumpanya ng langis na dagdag-presyo sa kanilang mga produktong petrolyo.

Dahil dito, papalo na lamang sa  P648 hanggang P778 pagsapit ng 2013 ang kada 11-kilo ng tangke ng LPG buhat sa dating P670 hanggang P800 kada tangke.

Bukod pa dito, inihayag rin ni Ty na masusundan pa ang rollback sa mga susunod na araw sa taong 2013 dahil sa patuloy na pagbaba sa contract price ng LPG sa internasyunal na merkado.

ARNEL TY

BAGONG TAON

BUKOD

DAHIL

LIQUEFIED PETROLEUM GAS

SASALUBUNGIN

SINABI

TY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with