^

Bansa

Red Cross at Ospital ng Caloocan nagsanib puwersa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang higit na makatulong sa mga taong ma­ngangailangan ay nagsanib puwersa ang Philippine Red Cross (PRC) at ang mga ospital ng Lungsod ng Caloocan sa pamamagitan ng paglagda ng mga ito ng Memorandum of Agreement (MOA).

Ayon kay Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri na siya ring ho­norary chairman ng PRC Caloocan Chapter, ang pagsasanib puwersa ng naturang ahensiya at ng mga ospital sa lungsod ay isang paraan upang higit pang makapagsilbi sa mga residente.

Kabilang sa mga ospital na lumagda sa ginanap na MOA signing ay ang Manila Central University (MCU) Hospital; Nodado General Hospital; Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital; Caloocan North Doctors Hospital at President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center  (PDMMMC).

Unang nilagdaan ng PRC at ng mga ospital sa Caloocan City ang Mass Casualty Incident (MCI) kung saan ay magkakatuwang ang dalawang panig sa pagbibigay ng emergency services sa mga residenteng mangangailangan ng tulong.

Sumunod na nilag­daan ang Blood Storage kung saan ay hihikayatin ng dalawang panig ang mga residente sa pagbibigay ng dugo at ang pinakahuli ay ang Blood Samaritan na layuning mabigyan ng sapat na kakailanganing dugo ang mga mahihirap na pasyente.

Kasabay nito, hinikayat din ni Mayor Recom ang mga residente na maging miyembro ng PRC kung saan ay bibigyan ang mga ito ng training kung paano magligtas ng mga taong maiipit sa anumang trahedya.

vuukle comment

BLOOD SAMARITAN

BLOOD STORAGE

CALOOCAN CHAPTER

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

CALOOCAN NORTH DOCTORS HOSPITAL

DR. JOSE RODRIGUEZ MEMORIAL HOSPITAL

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

MASS CASUALTY INCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with