^

Bansa

9 bayan sa Capiz nasa state of calamity

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Siyam na bayan sa la­lawigan ng Capiz na apektado pa rin ng tubig baha dulot ng bagyong Quinta ang isinailalim na rin sa state of calamity kahapon.

Ito’y matapos na magpasa na ng isang resolusyon ang mga kasapi ng Provincial Board na nagdedeklara sa ilang bayan sa lalawigan ng Capiz sa state of calamity.

Sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) kabilang sa mga nasa state of calamity ang Panay, Pontevedra at Panit-an na pawang sa unang distrito ng lalawigan.

Sa ikalawang distrito ay mga bayan ng Cuartero, Dao, Dumalag, Sigma, Tapaz at Mambusao.

Nabatid na 12 bayan sa lalawigan ang lubog pa rin sa tubig-baha at ilang national highway ang hindi pa madaanan dahil sa malakas na agos ng tubig baha sanhi ng pag-apaw ng mga ilog.

Samantala patuloy rin ang pagtaas ng bilang ng mga apektadong pamilya kung saan umaabot na sa 14,577 o kabuuang  54,962 katao.

Nananatili pa rin sa mga evacuation centers ang 1,921 na pamilya o 9,610 katao na mula sa mga bayan na apektado ng  mga pagbaha.

Patuloy naman ang isinasagawang relief ope­rations ng mga opis­yal ng lokal na pamahalaan para matulungan ang mga biktima ng  kalamidad.

Magugunita na nauna nang inilagay sa state of calamity ang ilang bayan ng Aklan at sumunod ang buong lalawigan ng Iloilo dahil sa iniwang pinsala ng bagyong Quinta.

AKLAN

BAYAN

CAPIZ

CUARTERO

DUMALAG

ILOILO

PROVINCIAL BOARD

PROVINCIAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with