PNP todo bantay vs ‘Gangnam bomb’
MANILA, Philippines - Todo bantay ngayon ang Philippine National Police (PNP) laban sa “gangnam bomb”, ang tinaguriang pinakamalakas na paputok na ipupuslit ng mga tiwaling negosyante sa merkado kaugnay ng nalalapit na pagsalubong sa Bagong Taon.
Ayon kay PNP-Firearms and Explosives Division (FED) Director P/Chief Supt. Raul Petrasanta, lubhang delikadong gamitin ang ‘gangnam bomb’ dahil mataas ang taglay nitong eksplosibo.
“This has been the talk of the town in Bocaue in Bulacan and other areas where firecrackers and pyrotechnic materials are manufactured,” ani Petrasanta.
Ang gangnam bomb firecracker ay hango sa mega-hit single na gangnam style ng South Korean musician na si PSY.
Bukod sa gangnam bomb firecracker ay lubhang delikado rin umano ang ‘end of the world’ na mahigpit din nilang binabantayan.
Kabilang pa sa mga ipinagbabawal na paputok ang watusi, piccolo, super lolo, atomic big trianggulo, mother rockets, lolo thunder, pillbox, boga, big judah’s belt, big bawang, kwiton, goodbye Philippines, kabasi, atomic bomb, five star, pla-pla, giant whistle bomb at mga paputok na walang label.
- Latest