^

Bansa

Bohol solon pumanaw

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pumanaw na kamakalawa ng gabi si Bohol Rep. Erico Aumentado dahil sa sakit na pneumonia.

Sa ipinadalang text message ni Ma. Bernadette dela Cuesta, exe­cutive director ng House secretariat’s public Relation and Information Bureau, binawian ng buhay ang mambabatas dakong alas-8:37 ng gabi noong Martes sa edad na 72 sa St. Lukes Medical Center (SLMC).

Nabatid na noon pang Disyembre 9 isinugod sa coronary care unit ng SLMC si Aumentado dahil sa sakit na pneumonia.

Magsasagawa naman ngayong umaga ng necrological service ang Kamara para kay Aumentado.

Si Aumentado ay na­ging chairman ng House Ethics committee at mi­yembro ng mga sumusunod na komite: agriculture and food, appropriations, Basic education, culture, Constitutional amendments, good government and public accountability, local government, public works and highways, suffrage and electoral reforms, tourism at transportation ways and means.

Ayon naman kay House Speaker Feliciano Belmonte, napakataas ng integridad na naukit ni Aumentado sa kaniyang distrito hindi lamang bilang isang kongresista kundi bilang isang journa­list kaya’t isang ma­laking kawalan umano sa serbis­yo publiko ang pagkamatay nito.

AUMENTADO

AYON

BERNADETTE

BOHOL REP

DISYEMBRE

ERICO AUMENTADO

HOUSE ETHICS

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

RELATION AND INFORMATION BUREAU

SI AUMENTADO

ST. LUKES MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with