PH Navy nakaalerto sa bagyo
MANILA, Philippines - Kahit kapaskuhan, naka -standby alert ang hukbo ng Philippine Navy (PN) para magbigay tulong sa mga lugar na maapektuhan ng bagyong Quinta.
Ito ang inihayag kahapon ni Philippine Navy Spokesman Lt. Col. Omar Tonsay matapos na pumasok na sa area of responsibility ng bansa si Quinta.
Una nang inalerto ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos ang lahat ng mga disaster response units na nasa ilalim ng ahensya kaugnay ng pananalasa ni Quinta.
Sinabi ni Tonsay, alinsunod sa direktiba ni Philippine Navy Chief Vice Admiral Jose Luis Alano lahat ng Disaster Response Task Units (DRTU), mga barko at 6 by 6 truck ay nakahanda para sa search and rescue operations .
Ang mga tauhan ng Philippine Navy na nakaalerto ay binubuo ng may 12 tauhan taglay ang isang 6 by 6 truck, 1-2 rubber boats at iba pang rescue gears at equiptment.
Bukod pa ang mga barko ng Navy na maaaring gamitin kung sakaling manalasa ang bagyong Quinta.
Sa Bicol Region bunga ng nararanasang malalakas na pag-ulan, ayon sa opisyal ay 2 DRTU at apat na barko ang naka-standby; 3 DRTU at 3 barko sa Northern Luzon; 7 DRTU at 10 barko sa Naval Forces West sa Puerto Princesa City, Palawan.
Samantalang 5 DRTU at 9 barko sa Naval Forces Central sa Lapu-Lapu City, Cebu; sa Naval Forces Western Mindanao sa Calarian, Zamboanga City ay 2 DRTU at 5 barko habang sa Sangley Point, Cavite ay naka-standy na rin ang Fleet Marine Ready Force at 12 DRTU.
- Latest