Bebot wanted sa sangkaterbang estafa
MANILA, Philippines - Nagpapasaklolo sa pulisya ang isang negosyante na umano’y inestafa ng isang babae na nahaharap sa patung-patong na kaso sa iba’t ibang sangay ng husgado sa lungsod ng Maynila.
Ayon sa complainant na si Mrs. Ma. Lourdes Lapus ng Mindanao St., Sampaloc, taong 2008 nang magsimulang magpalabas ng warrant of arrest ang magkakahiwalay na korte sa Maynila para sa ikadarakip kay Ma. Edora Gregorio, ng V. Francisco St., Sta Mesa, Maynila,.
Nabatid na umaaabot sa mahigit P500,000 ng mga original na bag at mga alahas ang kinuha ng respondent kay Lapus ilang taon na ang nakalilipas subalit hindi ibinalik ang mga produkto at hindi na rin binayaran.
Sa rekord, ilan sa mga nagpalabas ng warrant of arrest laban kay Gregorio ay sina Judge Maria Ricablanca ng Manila RTC Branch 22; Judge Joel A. Lucasan ng Metropolitan Trial Court Branch 27; Judge Amor A. Reyes ng Manila RTC Branch 21; Manila RTC Branch 30 Judge Lucia Purugganan.
Naniniwala ang complainant na uusad lamang ang mga kaso laban sa respondent sa sandaling maaresto ito ng pulisya.
- Latest