^

Bansa

6 mos. suspension vs Gov. Garcia isinilbi na

Ricky Tulipat/Joy Cantos/Rudy Andal - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isinilbi na ng DILG kahapon ang six months suspension order laban kay Cebu Gov. Gwendolyn Garcia dahil sa umano’y pang-aabuso sa kanyang tungkulin na may kaugnayan sa reklamong administratibo na inihain ni dating Cebu vice governor Gregorio Sanchez noong November 2010.

Kasunod nito, nanumpa na kahapon si Cebu Vice Gov. Agnes Almendras-Magpale bilang officer in charge ng pamahalaan ng Cebu. Si Magpale ay kapatid ni Secretary to the Cabinet Rene Almendras.

Ayon kay DILG Secretary Mar Roxas, ang suspension kay Garcia ay iiniutos ng Malakanyang base sa rekomendasyon ng yumaong dating DILG Secretary Jesse Robredo na may petsang July 26, ilang linggo bago ito nasawi sa isang plane crash.

“The suspension order was served today by DILG Regional Director Ananias Villacorta. Incumbent Vice Governor Agnes Magpale already took her oath as acting governor. Ito ay nangyari sa mapayapang pamaraan,” sabi ni Roxas.

Sabi pa ng kalihim, wala siyang choice, kundi ang ipatupad ang suspension kay Governor Garcia bilang parte ng kanyang trabaho.

“The order is the result of a full due process. Dalawang taong pinroseso ito simula November 2010. Binigyan ng pagkakataon na sumagot si Governor Garcia. Noong buhay pa si Secretary Robredo, nagkaroon ito ng findings na may violation, recommending a suspension. The findings were sent and reviewed by the Office of the President before the order was issued,” paliwanag ni Roxas.

Ayon kay Roxas ang pagsuspinde kay Garcia ay nag-ugat sa kasong administratibo na isinampa ng yumaong si dating Cebu Vice Governor Gregorio Sanchez Jr. hinggil sa pang-iipit umano ng gobernadora ng pondo ng kaniyang bise gobernador na inilipat nito sa kaniyang tanggapan.

Sina Garcia at Sanchez ay dating magka-alyado sa politika na nagka-lamat noong 2010 national and local elections na nagdulot ng pagkagalit ng gobernadora.

Isinantabi naman ni Roxas ang akusasyon na ang suspensyon ay may bahid politika.

Sa kasalukuyan ay tensiyonado sa Cebu City kung saan bantay sarado sa mga pulis ang kapitolyo ng lalawigan upang maiwasan ang karahasan.

AGNES ALMENDRAS-MAGPALE

AYON

CABINET RENE ALMENDRAS

CEBU

CEBU CITY

CEBU GOV

CEBU VICE GOV

CEBU VICE GOVERNOR GREGORIO SANCHEZ JR.

GOVERNOR GARCIA

ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with