^

Bansa

Purisima umupo na sa PNP

Joy Cantos, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pormal nang itinalaga ni Pangulong Aquino si De­puty Director-General Alan Purisima bilang bagong PNP chief sa isang simpleng seremonya kahapon sa PNP headquarters sa Camp Crame, Quezon City.

Isinalin na ni outgoing PNP chief Nicanor Bartolome ang liderato ng Philippine National Police kay Purisima.

Sinabi ni Pangulong Aquino sa kanyang mensahe, matagal na niyang kilala si Purisima simula pa noong 1st Lieutenant pa lamang sa pulisya.

Maagang nagretiro si Bartolome upang bigyan daan ang pag-upo ni Purisima bilang bagong PNP chief.

Hiniling ng Pangulo ang maagang pagbibitiw ni Bartolome upang maitalaga ang bagong PNP chief bago ang May 2013 elections.

“Ang hangad natin magsilbing bantayog ng dangal at integridad ang buong kapulisan, at matagumpay ninyong mapanatili ang kapayapaan at katahimikan, lalo na sa darating na halalan,” wika ni PNoy.

“Mulat tayong sa kabila ng mga reporma, may mga kabaro pa rin kayong nagbabahid ng mantsa sa inyong ahensya. Hindi po tayo makakapayag na ang mga inaasahang maglingkod sa bayan, ay sila pang pasimuno ng katiwalian. Sa tuwid na landas, bawal ang mga parak na nagsisiga-sigaan; bawal ang mga unipormadong pulis na nagmamaneho nang walang helmet o lisensya; bawal ang mga utak wang-wang na sagabal sa isinusulong nating reporma. Kung pulis kang tumatanggap ng suhol upang ipagkanulo ang kalikasan; kung pulis kang nagbubulag-bulagan sa ilegal na pagtotroso; kung pulis kang humihithit ng droga, o sangkot sa pagnanakaw at pango­ngotong, bilang na ang mga araw ninyo. Malinaw ang atas ko, at hindi optional ang pagsunod sa batas. Oras na magkrus ang landas natin, hindi lang ninyo isu-surrender ang inyong tsapa’t uniporme. Papalitan pa natin iyan ng t-shirt na kulay orange at may malaking letrang P sa likuran,” babala pa ng Pangulo.

Sinabi naman ni Purisima sa pagtanggap nito sa liderato ng PNP, na dapat magsimula nang umalis sa kanilang hanay ang mga pulis na mga corrupt.

Hindi naman napigilan ni Bartolome ang mapaluha sa kaniyang huling talumpati sa pormal na pamamaalam sa serbisyo.

“Though 15 months may not have been enough to achieve all that I have set to do, I now stand before you, fulfilled  and happy in the thought that I have done my best, but with a heart made heavey with the fact that I could have done more,” gumagaralgal na tinig ni Bartolome.

Pinasalamatan ni Bartolome ang lahat ng mga taong nagsilbing inspirasyon sa pagtupad niya sa kaniyang tungkulin kabilang si PNoy, pamilya nito, mga mistah sa PMA Class ’80.

BARTOLOME

CAMP CRAME

DIRECTOR-GENERAL ALAN PURISIMA

NICANOR BARTOLOME

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PURISIMA

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with