^

Bansa

Seguridad sa Simbang Gabi kasado na - PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakahanda na ang ilalatag na seguridad ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng tradisyunal na Simbang Gabi ng mga debotong Katoliko sa bansa na magsisimula sa Disyembre 16 hanggang bisperas ng Pasko (Disyembre 24).

Sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., magpapakalat ng mga pulis sa mga pangunahing lansangan at bisinidad ng mga simbahan na inaasahang daragsain ng libu-libong deboto.

Sa Metro Manila ay magiging todo bantay sa mga pamosong simbahan tulad ng Black Nazarene Church sa Quiapo, Our Lady of Perpetual Help sa Baclaran, Sto. Domingo Church sa Quezon City, St. Jude Church sa San Miguel, Quiapo; Our Lady of Loreto at St. Anthony Shrine sa Sampaloc, Maynila.

Ayon kay Cerbo, posible ring magtaas ng alerto kung may pangangailangan bago ang simbang gabi pero ipauubaya na ito ng PNP Headquarters sa limang District Director sa Metro Manila gayundin sa mga Regional at City Director sa lahat ng mga lalawigan sa kapuluan.

Sa tala, ilang simbahan na ang hinagisan ng bomba ng mga bandidong Abu Sayyaf sa panahon ng simbang gabi nitong nagdaang mga taon partikular na sa Sulu at Basilan.

ABU SAYYAF

BLACK NAZARENE CHURCH

CITY DIRECTOR

DISTRICT DIRECTOR

DISYEMBRE

DOMINGO CHURCH

GENEROSO CERBO JR.

METRO MANILA

OUR LADY OF LORETO

OUR LADY OF PERPETUAL HELP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with