^

Bansa

Veto sa sin tax giit ng PCART

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling iginiit ng Peoples Coalition Against Regressive Taxation o PCART na i-veto ang panukalang sin tax para maiwasan ang nakapapahamak na epekto ng panukala kapag ito’y napirmahan na.

Iginiit ng PCART na alam na alam ng gobyerno na kapag napirmahan ang panukala batay sa dikta ng International Monetary Fund (IMF) ay isa na itong isang ganap na kawalang-hustisya sa milyong manggagawa, magsasaka, manininda at may-ari ng mga sari-sari store.

Ayon kay Gie Relova, Secretary-General ng militant Bukluran ng Manggagawang Pilipino-National Capital Region-Rizal chapter,  mistula umanong pinatay ng sin tax ang kanilang hanapbuhay at kabuhayan habang sinintensyahan na rin nito ang mga pangarap ng kanilang mga anak. 

Tiniyak ng koalisyon na ipagpapatuloy nito ang pakikibaka laban sa kontra-mahirap at mapagsamantalang batas sa Sin Tax kahit sa panahon ng kampanya, ilu­lunsad nito ang isang kampanyang kontra sa mga sumuporta sa binalak ng Malakanyang na pagmasaker sa hanapbuhay at kabuhayan ng masa.

AYON

BUKLURAN

GIE RELOVA

IGINIIT

INTERNATIONAL MONETARY FUND

MALAKANYANG

MANGGAGAWANG PILIPINO-NATIONAL CAPITAL REGION-RIZAL

PEOPLES COALITION AGAINST REGRESSIVE TAXATION

SIN TAX

TINIYAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with