Probe sa Aman scam mabagal - House
MANILA, Philippines - Dahil sa umano’y mabagal na pagsasampa ng kaso laban sa mga bumubuo ng Aman Futures Inc. kayat sinabon ng mga mambabatas ang Department of Justice (DOJ).
Sa ginanap na pagdinig ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries, pinagsabihan ni Cagayan Rep. Rufus Rodriguez na natutulog ang mga DOJ prosecutors sa kanilang trabaho.
Ito ay dahil base sa National Bureau of Investigation (NBI), Oktubre 16 nang maghain sila sa Pagadian Prosecutors Office ng kaso laban sa Aman Futures Group at Nobyembre 28 naman sa DOJ.
Katwiran naman ni Special Prosecutor Edna Valenzuela, Nobyembre 16 lamang naitatag ang grupo na humahawak ngayon ng preliminary investigation laban sa Aman Futures Group.
Giit naman ni Rodriguez, napakabagal ng DOJ na inabot pa ng isang buwan bago ito nakapagbuo ng team of special prosecutors
Idinagdag pa ng mambabatas na dapat paspasan ang trabaho nito dahil mahalagang maisyuhan agad ng warrant of arrest ang mga nasa likod ng Aman lalo na sina Manuel Amalilio at Mayor Samuel Co.
- Latest
- Trending