AFP Modernization pinalawig ng 15 years
MANILA, Philippines - Nilagdaan kahapon ni Pangulong Aquino ang pagpapalawig pa ng 15 taon sa AFP Modernization Law.
Naniniwala ang Pangulo na napapanahon at makabuluhan na pahabain pa ng 15 taon ang AFP modernization act o RA 10349.
Ito rin umano ang magiging daan upang makabili ng modernong armas ang AFP sa gitna ng banta sa seguridad ng bansa.
Ayon sa chief executive, bukod sa terorismo ay umiinit din ang tension sa territorial dispute sa West Philippine Sea.
Aniya, ang extension ng AFP modernization law ang magiging katiyakan para hindi maagrabyado ang mga sundalo na tutok sa pagbabantay ng seguridad ng bansa.
Sa ilalim ng bagong batas, mabibigyan ng P75 billion ang AFP para mapalakas ang kakayahan partikular sa external at internal defense program.
Gagamitin ang pondo sa loob ng limang taon partikular sa pagbili ng bagong helicopters ng Air Force, bagong barko ng Navy at tangke para sa Army.
Inaasahan din ng Pangulo ang pagtaas ng morale ng mga sundalo sa nilagdaang bagong batas.
- Latest
















