Japanese casino operator nilinis ng Pagcor sa bidding
MANILA, Philippines - Inabswelto ng Philippine Gaming Corporation (Pagcor) ang Japanese casino operator na si Kazuo Okada sa anumang koneksyon kaugnay sa bidding para sa pag-ooperate ng Entertainment City Project.
Sa pagdinig ng House Committee on Good Government, sinabi ni Pagcor Vice President for legal affairs Jay Camacho na noong 2011 na nagtungo sa kanilang tanggapan ang whistleblower na si Manuel Camacho ay wala itong nabanggit sa kanila na sinusuhulan ni Okada si dating Pagcor chairman Efraim Genuino at dating Pagcor consultant Rodolfo Soriano kapalit ng license to operate ng casino.
Gayundin ang alegasyon ni Camacho na lumabag si Okada sa anti-dummy law.
“He first came to the Pagcor office sometime in late 2011 and Pagcor chair (Cristino) Naguiat asked me to interview him. But all he told me then was his falling out with Genuino’s son in their law firm and his allegation the Genuinos acquired illegal-gotten wealth,” ayon kay Santiago.
Paliwanag pa ni Santiago sa panel, na ang pagbubunyag ni Camacho ay resulta lamang ng away nila ni Genuino at naiipit lamang si Okada sa away ng dalawa.
“But all he could show to substantiate his allegations was pictures of vehicles downloaded from the internet,” dagdag pa ni Santiago.
- Latest





















