^

Bansa

3 filmmakers, wagi sa QC Film Festival

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong Pinoy filmakers ang tumanggap ng parangal mula kay Quezon City   Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte sa isang simpleng seremonya  sa katatapos lang na Quezon City Film Festival sa ilalim ng QC Film Development Commission (QCFDC).Bukod sa parangal at pagkilala ay may P800,000 kada isa ang tinanggap ng mga nanalong filmmakers na sina Alvin Yapan, Joel Ferrer at John Torres mula sa pamahalaang lungsod. May 71 entries ang lumahok sa naturang patimpalak  at ang masuwerteng napili ay binase sa creative merits ng kanilang mga  scripts at feasibility ng kanilang mga  productions. Ang mga napiling pelikula ay pinamagatang  “Hello World”, “Gaydar” at “Lukas Nino” na inaasahang ipalabas sa mga sinehan sa lungsod sa susunod na taon. Ang QCFDC ay naitayo upang maitaguyod at mapalawak ang kahusayan at kaalaman bilang sentro ng film making sa buong bansa.Ang pelikulang “Hello World “ sa direksiyon ni Ferrer ay istorya ng mga dating magkaibigan na Jeff at Johann. Nang makatapos sa high school, nagdesisyon si Jeff na huwag sumama sa ina para manirahan sa Amerika bagkus ay itinuloy ang panliligaw sa secret childhood crush na si  Annie na kakambal ni  Johann. Si Johann naman ay hindi na nag college at sa halip ay nagka relasyon sa isang Bea na kanyang college girl na nakakuha ng kanyang  virginity. Ang “Gaydar” naman ay sa direksiyon ni Yapan  ay is­torya ng isang babaeng may pangalang Tinana na-iinlove sa mga bakla. Sa kalaunan sila pa rin ang nagkatuluyan. Ang pelikulang “Lukas Nino” (Lukas the Strange) sa direksiyon ni Torres ay tungkol sa isang teenager na nagtungo sa kanilang lalawigan para gumawa ng isang pelikula  at sa pelikulang ito ay nasentro sa isang misteryosong ilog na ang sinumang lalangoy dito ay mawawala ang memorya.

ALVIN YAPAN

FILM DEVELOPMENT COMMISSION

GAYDAR

HELLO WORLD

JOEL FERRER

JOHANN

JOHN TORRES

LUKAS NINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with