500 missing kay ‘Pablo’ maliit na ang pag-asang marekober ng buhay
MANILA, Philippines - Lumiliit na ang pag-asang marekober pa ng buhay ang mahigit 500 pang kataong nawawala sa pananalasa ng bagyong Pablo partikular na sa lalawigan ng Compostela Valley at Davao Oriental.
Ayon kay Lt. Col. Lyndon Paniza, sa kasalukuyan ay gumagamit na ng mga K9 dogs ang rescue team upang mapabilis ang paghahanap sa mga nawawala pang biktima.
“Habang lumilipas ang mga araw, very slim na yung chances na may maka-survive pa,” ani Paniza.
Sa phone interview , sinabi naman ni Lt. Col. Antonio Florendo, Commander ng Army’s 66th Infantry Battalion (IB) na pangunahing nagsasagawa ng search operation sa Compostela Valley, sa ngayon ay umaabot na sa 677 ang mga nasawi sa bagyong ‘Pablo’.
Ayon kay Florendo, matapos ang pananalasa ng bagyo noong Disyembre 4 ng sumunod na tatlong araw ay nakarekober pa sila ng mga survivor pero matapos ito ay puro patay na ang kanilang nakukuha.
- Latest