^

Bansa

Sin Tax Bill pasado na sa bicam

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pumasa na sa bicameral conference committee ang sin tax bill na nag­lalayong itaas ang buwis sa mga tinatawag na “sin products” partikular ang alak at sigarilyo.

Nagkasundo ang mga senador at congressmen na miyembro ng bicam na ipako sa P35 bilyon ang makokolektang buwis mula sa mga sin tax products sa susunod na taon.

Sa nasabing P37 bil­yon, 70 porsiyento ang manggagaling sa mga tobacco products samantalang ang natitirang 30 porsiyento ay kukunin sa alcohol.

Hindi nasunod ang inaprubahan ng Senado na 60-40 tax sharing kung saan inaasahan sanang P40 bilyong buwis ang makokolekta ng gobyerno.

Isa si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos sa umangal sa ipinasang bersiyon ng bicameral committee dahil sa mala­king posibilidad na maapek­tuhan talaga ang industriya ng tobacco.

“Thousands are going to lose their livelihood in the tobacco sector. Hindi namin maintindihan kung bakit nila ginagawa ‘yon. Kung sinasabi nilang health measure ito, ‘di dapat sabay-sabay na tinataasan ang presyo para mabawasan ang umiinom, mabawasan ang nagsisigarilyo,” pahayag ni Marcos.

 

BONGBONG

BUWIS

ISA

KUNG

NAGKASUNDO

PUMASA

SENADO

SENATOR FERDINAND

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with