^

Bansa

Apela ni Zaldy Ampatuan ibinasura ng SC

Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isinapinal na ng Korte Suprema ang kahilingan ni dating Autonous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Zaldy Ampatuan na matanggal siya bilang akusado sa Maguindanao massacre case.

Batay ito sa 3-pahinang notice of resolution ng Supreme Court Third Division, na may petsang Nobyembre 14, 2012 at pirmado ni Division Clerk Lucita Soriano.

Sa nasabing resolus­yon, ibinasura ng Mataas na Hukuman ang ikalawang motion for reconsi­deration (MR) ni Zaldy Ampatuan dahil sa kawalan ng merito.

Sa kanyang mosyon, hiniling ni Zaldy na magpaliwanag ang SC sa ginawa nitong pagbasura sa kanyang inihaing petition for review at motion for reconsideration na magkasunod na ibinasura noong nakalipas na Hunyo 25 at Agosto 15.

Tinukoy ni Zaldy na napagkaitan siya ng due process nang hindi ilahad ng SC ang facts of the law na ginamit na batayan sa kanyang kinukwestiyong mga desisyon.

Pero iginiit ng high tribunal na hindi nito kailangang magpaliwanag dahil wala naman silang makitang pagkakamali sa naging desisyon ng mababang hukuman.

Bukod dito, natalakay na rin umano ang facts of the law sa naging desis­yon ng Court of Appeals (CA).

Dahil sa kautusang ito, wala na umanong magi­ging legal na balakid para maisalang sa arraignment si Zaldy sa kasong multiple murder.

AGOSTO

AUTONOUS REGION

BATAY

COURT OF APPEALS

DIVISION CLERK LUCITA SORIANO

GOVERNOR ZALDY AMPATUAN

KORTE SUPREMA

MUSLIM MINDANAO

SUPREME COURT THIRD DIVISION

ZALDY

ZALDY AMPATUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with