Red tape sugpuin! - Roxas
MANILA, Philippines - Hinikayat kahapon ni Interior Secretary Mar Roxas ang mga Local Government Units LGUs) sa bansa na seryosohin ang laban kontra sa red tape na isang batayan umano ng pag-unlad ng isang lokal na pamahalaan.
Ang pahayag ay ginawa ni Roxas sa harap na rin ng paggawad ng ahensya ng mga marka sa mga LGUs na naging matagumpay sa kampanya sa red tape kung saan nanguna ang lungsod ng Taguig na nakakuha ng excellent mark.
Una nang pinarangalan ng DILG ang Taguig at binigyan ng markang 90.11 katumbas ng excellent rating matapos nitong maipasa ang lahat ng areas pagdating sa pagsugpo sa red tape kabilang ang ARTA provisions, frontline service provider, service quality, physical working condition at overall satisfaction.
Sinabi ni Roxas na kung red tape free ang isang lokal na pamahalaan ay kasunod na nito ang kaayusan, pagpasok ng mga negosyo, pagkakaroon ng matatag na ekonomiya at pag-unlad.Kung nanatiling bagsak at mahirap ang isang lungsod o bayan ay isang dahilan dito ay ang red tape kayat dapat na tutukan ito ng mga alkalde.
Pinapurihan naman ni Roxas si Taguig City Mayor Lani Cayetano sa matagumpay nitong kampanya laban sa red tape na isa umanong patunay na sa tuwid na daan ay asenso ang kapalit.
Dapat umanong tularan ang lungsod na sa maikling panahon ay nakapagpatupad ng pagbabago na kaya rin umano ng ibang LGUs.
- Latest