^

Bansa

P10-B ‘tulay’ anomaly… DPWH offc’l ginigisa na ng Ombudsman

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinisiyasat ngayon ng Ombudsman ang isang opisyal ng Department of Public Works and Highways dahil sa kadudadudang yaman nito na posibleng galing sa kontrobersyal na P10-bilyong President Bridge Program.

Ang naturang opisyal ang umano’y nangasiwa  ng ‘President Bridge Program’ (PBP) ang umano’y tahimik na iniimbestigahan ngayon dahil sa isyu ng “ill-gotten wealth.”

Ayon sa Ombudsman, ang opisyal ay si Ramon Cacatian, director ng Special Project Management Office (SPMO) na namahala sa PBP. Kamakailan, kinuwestyon ng Commission on Audit (COA), ang programa na  katakatakang umabot sa P10 bilyon ang binayaran sa tatlong dayuhang kontraktor, partikular na ang Balfour Cleveland Consortium (BCC).

Ipinakita sa media ng ilang pamilyar sa imbestigasyon ang larawan ng umano’y ilan sa mga “real estate properties” ni Cacatian katulad ng isang 2-storey na bahay sa Village East (VEEH) Cainta, Rizal.

May mga larawan din umano ng isang three-storey na gusali sa Sanchez Mira, Cagayan, ilang apartment units sa Metro Manila na umano’y pawang pag-aari ng opisyal. Bukod pa umano ito sa ilang mga mamahaling sasakyan na pag-aari rin umano ni Cacatian katulad ng Honda CRV, Toyota Innova at Toyota Fortuner.

Ayon pa sa Ombudsman, marami ang nagtataka kung paano nakaipon ng maraming ari-arian si Cacatian samantalang dalawang anak ang pinag-aaral nito sa kolehiyo at wala naman umanong ibang pinagkikitaan na mga negosyo.

Bilang SPMO director, nabatid na si Cacatian ang namahala sa multi-bilyong PBP ng pamahalaan na iniimbestigahan din ngayon ng Senado at Kongreso dahil sa samut-saring anomalya, partikular na ang umano’ “raket” ng “project cost overrun.”

Ayon sa COA, pinakagrabe ang cost overrun ng BCC, na orihinal na kilala bilang UK Balfour Beatty (UKBB). Mula sa kontratang P2.86 bilyon para sa 256 tulay, umabot sa may P10-bilyon ang binayaran ng gobyerno dahil sa halos 90 porsiyento na cost overrun sa mga proyekto nito.

Una nang isinabit ni ‘Kasangga’ partylist Rep. Teo­dorico Haresco si Cacatian sa kanyang privilege speech sa Kongreso hinggil sa umano’y mga anomalya sa PBP noong Oktubre.  Nabatid pa na isa pang assistant secretary ng DPWH ang sinisilip din sa posibleng pagkasangkot sa anomalya ng PBP.

Batay sa mga “travel record,” nabatid na madalas lumabas ng bansa si Cacatian.

 

AYON

BALFOUR BEATTY

BALFOUR CLEVELAND CONSORTIUM

CACATIAN

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

KONGRESO

METRO MANILA

PRESIDENT BRIDGE PROGRAM

UMANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with